Kinumpirma ng pamunuan ng State-run Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na ipapatupad na ang inaprubahang taas sa maximum na maaaring mahiram na cash ng kanilang mga miyembro mula sa kanilang kabuuang savings.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Pag-IBIG Fund , itinaas na nito ang cash loan limit sa 90% mula sa dating 80%.
Layon ng hakbang na ito na mapalawak pa ang financial access ng kanilang mga miyembro lalo na sa panahon ng pangangailangan.
Ayon sa Pag-IBIG fund, ang kanilang mga miyembro na mayroong upgraded regular savings ay maaaring makapag avail ng mas malaking loan.
Ito ay depende pa rin sa kabuuan ng kanilang savings.
Paliwanag pa nito na ang pagtaas sa loanable cash ay maaaring ma avail para sa mga short-term loan programs katulad ng Health and Education Loan Programs at maging sa Calamity loan.
Ibinaba na rin nito ang eligibility requirements mula sa dating 24-month patungo sa 12 months minimum contribution.