Reading Time: 1 minute
Carmelo Anthony
Carmelo Anthony/ FB post

Tinanggihan ng Team USA na makapaglaro sa FIBA World Cup si NBA star Carmelo Anthony.

Ayon kay USA Basketball managing director Jerry Colangelo na magiging “distraction” lamang ang 3-time gold medalist at all-time leading scorer ng Team USA.

Nilinaw nito na wala itong sama ng loob ito kay Anthony.

Naniniwala ito na nais lamang ni Anthony na muling makilala ang pangalan nito subalit kailangan na lamang niya gawin ito sa NBA.

Magugunitang prayoridad ng Team USA ang mga bagitong manlalaro sa NBA matapos na ilan sa mga sikat na NBA star ay umatras para makasali sa torneo na gaganapin sa katapusan ng buwan sa China.

Una nang namroblema si Anthony dahil sa walang kumukuha pa sa kanya na NBA team makaraang bitawan siya ng Houston Rockets.