Nagkaroon ng mga pagbabagong ipinatupad ang organizers ng 33rd Southeast Asian Games (SEA Games) na gaganapin sa Thailand.
Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion na maapektuhan dito si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Isinaad ng organizers ang panuntunan na ang mga atleta gaya ni Yulo na lumalaban sa iba’t-ibang apparatus ay maari lamang pumili ng isa na kaniyang sasalihan.
Dagdag pa ni Carrion na sigurista ang organizers dahil sa tiyak na makukuha ni Yulo ang lahat ng mga categories at apparatus na sasalihan nito.
Maaring pipiliin na lamang ni Yulo ang parallel bars dahil dito siya nakakuha ng gintong medalya.
Ipapaubaya na rin nila kay Ivan Cruz ang floor exercise at vault kay Miguel Besana na nagkampeon ang mga ito sa huling SEA Games.
Nakatuon pa rin ngayon si Yulo sa Artistic Gymnastics World Championships na gaganpin sa Jakarta, Indonesia mula Oktubre 19 hanggang 25.
Magugunitang noong 2023 SEA Games ay nakakuha ang Pilipinas ng apat na ginto, dalawan silver at isang bronze medal.