-- Advertisements --

ILOILO CITY – Naka-lockdown ang 2GO cargo vessel na naka-angkla sa Fort San Pedro, Iloilo City matapos nagkahawaan ng COVID-19 ang pitong mga crew.

Ang cargo ship ang may rutang Iloilo-Davao-General Santos City and vice versa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, sinabi nito na isinailalim sa swab test ang 36 na mga crew matapos nagkaroon ng flu-like symptoms ang index case.

Nang lumabas ang resulta ng swab test, nakumpirma na nahawaan ng index case ang anim pa nitong mga kasamahan.

Wala namang ibang naclose-contact ang mga crew dahil hindi sila nakababa ng barko.

-- Advertisement --