Hinatulan na nitong araw si Cardinal George Pell matapos mapatunayang guilty sa pang-aabuso sa dalawang menor-de-edad sa Australia.

Ito ay kaugnay ng paratang sa kanya na pang-aabuso umano sa dalawang 13-anyos na lalaki sa Melbourne Cathedral noong taong 1996.

Aapela naman ang mga abogado ni Pell.

Giit ng mga ito, hindi makatarungan at walang sapat na impormasyon umano ang naging basehan ng desisyon ng korte.

Una rito ayon kay Judge Kidd, ang huradong humahawak sa kaso ni Pell, haharap ito sa anim na taong pagkakakulong.

Samantala, nagtungo naman ang dalawang biktima sa Melbourne upang masaksihan ng harapan ang pagsintensya ng korte kay Pell.