Reading Time: 1 minute
CANELO ALVAREZ
Canelo Alvarez/ IG post

Hindi matutuloy ang laban ni Canelo Alvarez sa Setyembre at naantala ang pagbabalik nito sa boxing.

Ayon sa Golden Boy Promotions, na wala pa silang nahanap na kalaban ng Mexican boxing star at kulang na ang panahon para maipromote pa ito.

Lumaban si Canelo ay noong Disyembre 2018 ng pinatumba niya si Rocky Fielding para sa WBA title at super middleweight sa Madison Square Garden.

Noong Mayo ay nanalo ito sa 12 round unanimous decision laban kay Daniel Jacobs sa WBA, WBC , IBF middleweight titles na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Unang kinausap ng kampo ni Canelo si WBO light heavyweight champion Sergey Kovalev na may laban sa Agosto laban kay Anthony Yarde.

Hindi ito nagtagumpay ang usapan ng dalawa dahil sa hindi sila nagkasundo sa babayarin.

Ilan pa sa mga kinakausap nila ay sina WBO champion Demetrius Andrade at WBO 154-pound champion Jaime Munguia.