Pina-disqualify ng Commission on Elections (COMELEC) First Division si Cabuyao City, Laguna Mayor Dennis Felipe Hain dahil sa vote-buying.
Sa inilabas na 19-pahinang resolution ay kanilang napatunayan ang alegasyon ng ni dating Cabuyao City Vice Mayor Leif Opiña noong Abril 29 para idisqualify si Hain at kapatid nitong si Richard bilang alkalde at district representatives.
Una ng ibinasura ng COMELEC First Division ang petisyon ni Opina kay Richard dahil siya ay natalo noong halalan.
Sa petisyon ni Opiña na lumabag ang dalawa sa Section 261 ng Omnibus Election Code sa pamamagitan ng pagbbili ng boto.
Noong buwan din ng Abrili ay inimbitahan ng partido ng dalawa na National Union Party (NUP) ang ilang residente ng Cabuyao sa kanilang pribadong lugar para umano sa “poll watcher seminar” kung saan binigyan ang mga ito ng P1,000 para iboto sila.
Kinuha pa ang mga cellphone ng mga ito para hindi makapag-record ng mga nagaganap.
May ilang witness na nakuha ang first division at kinumpirma ang pagbabayad ng P1,000.
Nakatakdang maghain ng motion for consideration ang abogado ni Hain na si Atty. Romar Montesa.
















