-- Advertisements --
Naglagay na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga CCTV sa kanilang air traffic equipment rooms.
Kasunod ito sa pagsita ni Senator Juan Miguel Zubiri matapos ang naganap na senate hearing ukol sa aberya sa mga paliparan noong Enero 1.
Pinasalamatan ni Zubiri ang CAAP dahil sa agarang pagtugon.
Nakumpirma lamang ito ng senador matapos na padalhan siya ng larawan ng pagkakabit ng mga CCTV mula sa opisyal ang CAAP.
Lahat aniya ng limang CCTV ay nakalagay sa equipment room kung saan matatagpuan ang circuit breaker.