-- Advertisements --
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC)–Port of Clark, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs, ang tinatayang 1.573 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10.696 milyon.
Ayon sa mga awtoridad, natuklasan ang hinihinalang ilegal na droga na nakatago sa cardboard sidewalls ng isang kahon ng wedding dress.
Ang shipment ay ipinadala mula Mexico City, Mexico at nakalaan para sa Mandaluyong City.
Nakumpiska ang kontrabando sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad bilang bahagi ng kanilang pagpapatupad laban sa illegal drug trafficking.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng shipment at mapanagot sa ilalim ng umiiral na batas.
















