Jimmy Butler miami
-- Advertisements --

Dinomina ni Jimmy Butler ang laro ng Miami Heat gamit ang 36 points upang iposte ng team ang ikalawang panalo laban sa Orlando Magic, 107-90.

Nagtala si Butler ng 15-for-21 shooting at limang steals, habang sinuportahan din ni Bam Adebayo na may 16 points at 13 rebounds.

Malaking tulong din ang ginawa nina Markieff Morris na nagpakita ng 16 points mula sa bench at si Tyler Herro na nagtapos sa 13 points, five rebounds at nine assists.

Para naman sa Magic kapwa may tig-15 points sina Franz Wagner at Jalen Suggs para manguna sa Orlando na lumasap sa kanilang ikatlong pagkapanalo.

Meron namang tanging panalo ang Magic nitong nakalipas na araw kontra sa New Yorks.

-- Advertisement --

Pero aminado ang Magic na kung tutuusin ay mas bata silang team at hindi raw nila kinaya ang bigating Heat.

Samantala todo papuri ang Fil-Am Heat coach na si Erik Spoelstra kay Butler dahil sa all-around game nito.

“He can do a lot of different things,” ani Spoelstra.