Bukas na muli ang burol ni dating Senate President Nene Pimentel Jr. para sa mga nais humabol na masilayan ang labi nito bago ang nakatakdang libing bukas sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Nanggaling pa kasi ito sa Cagayan de Oro para mabigyan ng tyansa ang mga kababayan ng dating opisyal na makapagbigay ng huling respeto.

Ngayon kasi ang huling gabi ng lamay, kaya naghanda ang pamilya Pimentel para sa buhos ng mga makikiramay.

Ilan sa mga bumisita sina Sen. Joel Villanueva at asawang si Gladys Villanueva, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at dating Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo.

Mananatili namang bukas ang chapel hanggang hatinggabi, bago ito isasara para ihanda sa gaganaping libing.

Nakatakda naman ang libing bukas sa ganap na alas-9:00 ng umaga sa naturang memorial park.