Hihigpitan na raw ng Bureau of Immigration (BI) ang screening o pagsala sa mga banyagang mula sa Cambodia at Vietnam.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, kasunod na rin daw to ng napaulat na pagtaas ng mga kaso ng pgdukot at extorsion activities ng mga sindikato sa mga banyagang galing sa naturang mga bansa.
Sa isinagawang inspection ni Tansingco sa frontline operations ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport, nagbigay ito ng direktiba sa lahat ng mga immigration officers na kaagad nilang i-refer para sa secondary inspection ang mga foreign nationals na mayroong kaduda-dudang dahilan ng kanilang pagdalaw dito sa Pilipinas.
Ang naturang mga pagdukot ay siyang inimbestigahan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs noong nakaraang linggo.
Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay BI Spokesperson Dana Sandoval, nilinaw nitong ang mga nahuling Chinese nationals na sangkot sa pagdukot ng mga kapwa Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dito sa bansa ay hindi naman iligal na nakapasok sa bansa at dumaan sa screening ng Immigration.