Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa magkahiwalay na bahagi ng ilog ng Malabon nitong Lunes ng umaga, Agosto 18, 2025.
Ayon sa ulat lumapit umano ang kaamag-anak sa mga awtoridad para kumpirmahin ang unang bangkay na naka suot ng itim na kasuotan at may posas, kung saan sinabi ng mga ito na nawawala ang kanilang 21-anyos na pamangkin na nag-iwan ng suicide note at video bago mawala.
Kinilala ang biktima ng mga kamag-anak at kaklase bilang isang estudyante sa kolehiyo sa Quezon City. Natagpuan sa kanyang bag ang mga mabibigat na bagay gaya ng graba at dumbbell, indikasyong sinubukan nitong lumubog sa ilog.
Samantala, isa pang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa ibang bahagi ng ilog sa Potrero, Malabon. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima, na posibleng inanod mula Quezon City o Valenzuela.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa parehong insidente.