-- Advertisements --

Nagdulot ng malawakang brownout sa Malabon City nitong gabi ng Linggo, Hunyo 21 ang pagkatumba at pagbagsak ng malaking poste o main line ng kuryente sa may M.H. Del Pilar sa Barangay Maysilo.

Ayon sa mga paunang ulat at saksi sa lugar, tinamaan ng kidlat ang poste sa gitna ng malakas na thunderstorm kaya ito natumba at bumagsak sa isang nakaparadang tricycle. Dahil dito, ilang barangay ang nawalan ng kuryente.

Agad namang nakipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Malabon sa Meralco upang agad na maisagawa ang pagkukumpuni at clearing sa apektadong kalsada.

Pinapaalalahanan naman ang publiko na mag-ingat sa nakalaylay na kable. Huwag lalapit sa mga bumagsak na wire o poste upang maiwasang makuryente