Mas pinaigting na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagbibigay seguridad sa buong bansa dahil sa mga nagaganap na rotational brownouts.
Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr, na kaniyang inatasan ang mga kapulisan sa bansa na magsagawa ng mobile at foot patroling sa mga residential at commercial areas.
Hindi kasi ikinaila ng PNP ang pagdami ng mga kaso ng krimen tuwing nawawalan ang suplay ng kuryente.
Ang nasabing kautusan ay bilang paghahanda sa posibilidad na pagtaas ng kaso ng nakawan.
Inatasan din nito ang mga kapulisan sa bawat lugar na makipag-ugnayan sa mga barangay officials para mabantayan laban sa anumang krimen.
Magugunitang nagpatupad ang ilang electric companies sa iba’t-ibang lugar ng rotational brownouts dahil sa mataas na demand ng kuryente.
















