-- Advertisements --

Naranasan ang mga pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila nitong gabi ng Linggo, Hunyo 21, 2026, matapos ang malalakas na buhos ng ulan na dulot ng mga localized thunderstorm, at pinaigting na habagat (southwest monsoon) dahil sa bagyong Francisco.

Sa Quezon City, iniulat ang pagbaha sa bahagi ng EDSA Oliveros (northbound at southbound) na umabot sa gutter-deep o hanggang walong pulgada pero nanatiling nadaraanan ng lahat ng klase ng sasakyan.

Nagdulot din ang biglaang malalakas na ulan ng pagbara sa ilang drainage inlets o mga daluyan ng tubig dahil sa mga basura, na nagresulta sa pansamantalang pagbaha sa iba’t ibang kalsada.

Ilang lugar din ang nakaranas ng brownout o bawalan ng kuryente sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan at pagkulog-pagkidlat gaya na lamang sa Makati City at Malabon City

Matatandaang tuluyan nang naging isang ganap na bagyo ang Typhoon Francisco (na may international name na Mekkhala) habang nasa Philippine Sea.

Bagamat malayo ito sa kalupaan at walang direktang landfall sa bansa, pinalalakas nito ang habagat na nagdadala ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.