-- Advertisements --

Ikinokonsidera raw ngayon ng Bureau of Corrections ang paggawad ng executive clemency sa mga persons deprived of liberty na may edad 70-anyos pataas.

Ayon kay BuCor officer-in-charge General Gregorio Catapang Jr., ang paggagawad ng executive clemency ay para ma-decongest na ang mga piitan sa bansa.

Patuloy pa rin naman daw ang pag-aaral ng Bureau of Corrections (BuCor) sa posibilidad na mabigyan na ng executive clemency ang mga may edad 70-anyos pataas para sa decongestion process ng mga piitan.

Ayon kay Catapang ang naturang hakbang ay pinayagan daw noon sa termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Una nang sinabi ni Department of Justice (DoJ) spokesperson Mico Clavano na ipinaprayoridad daw ngayon ng Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang decongestion ng mga piitan sa ilalim ng BuCor matapos lumbas na nasa 300 percent ang congestion rate ng New Bilibid Prison (NBP).