-- Advertisements --
Screenshot 2021 02 20 12 16 47

BUTUAN CITY – Naka-alerto na ang lahat ng mga coordinated support groups sa buong Caraga Region habang papalapit na ang pag-landfall ng bagyong Auring.

Sa Agusan del Norte, inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) chief Erma Suyo, na nagbigay na kahapon ng guidelines si Gov. Dale Corvera sa mga tao para malaman nila ang dapat na gagawin.

Inihayag naman ni Jeff Crisostomo, regional information officer ng Dinagat Islands province na “well-prepared” na ang kanilang probinsya at naka-preposition na rin ang mga relief goods para sa kanilang mga residenteng ililikas.

Dito naman sa Butuan City ay inilagay na sa red alert status ang mga barangay na inatasang i-monitor at kagad na i- report ang kahit na anumang insidenteng magaganap may kaugnayan pa rin sa bagyo.

Naka standby na usab ang 1501 Community Defense Center sa Camp Romualdo Rubi sa Barangay Bancasi, Butuan City na syang mag-u-augment ng karagdagang personahe sakaling may gagawing rescue operation o kaya’y pre-emptive evacuation lalo na sa mga naninirahan malapit sa river banks sakaling aabot na sa s meters pataas ang lebel ng Agusan River.

Naka-preposition na usab og mga non-food items ang City Social Welfare and Development sama sa kumot, banig, kaldero, mga plato, baso at iba pang mga gamit pati na ang mga family bags na syang ipamimigay sa mga ma-aapektuhan ng kalamidad.

Habang nasa red alert status naman ngayon ang buong pwersa ng Bureau of Fire Protection (BFP) Caraga upang kaagad na makaresponde sa mga epekto ng bagyong Auring sa rehiyon lalo na sa mga posibleng emerhensyang mangyayari.