Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Isa ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa insidente nang pananaga sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang napatay na si Marilou Gulmayo, 35, pitong buwang buntis, habang sugatan naman ang apat na taong gulang na anak nito at kanyang tiyuhin na si Eliterio Pastolero, 59, mga residente ng Purok 5, Barangay Pulanglupa, M’lang, North Cotabato.

Ayon sa ulat ng M’lang PNP nakainom umano ang suspek at nagkasagutan sa kanyang mister na si Elmer Gulmayo, 31, na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sinasabing may sakit din umano ang suspek at hindi na-inject ang kanyang gamot kaya raw nagresulta na nagwala ito at kumuha pa ng itak hanggang sa pinagtataga ang asawa na binawian ng buhay.

Aawat sana ang tiyuhin kung saan pinagtataga rin ito at nadamay pa ang apat na taong gulang na anak ng mag-asawa.

Agad binawian ng buhay si Marilou nang magtamo ito ng maraming sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Naisugod naman sa pagamutan ang dalawang sugatan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Mlang PNP sa naturang pangyayari.