Borislav Mihaylov
Borislav Mihaylov

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang pangulo ng Football Union ng Bulgaria na si Borislav Mihaylov.

Kasunod ito ng racist abuse sa mga England players sa Euro 2020 qualifiers.

Sa naging laban nitong Lunes kung saan panalo ang Englang 6-0 ay dalawang beses na nahinto ang laro.

Ito ay dahil sa sa racist behavior ng mga fans ng Bulgaria.

Kabilang dito ang Nazi salutes at ang pagkukunwaring unggoy.

Dumepensa ang Bulgarian Football Union na isang uri lamang ng kantiyaw bunsod na rin ng tension na naganap sa laro.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Mihaylov na isang nakakahiyang pagkatalo ang natikman ng Bulgaria kaya nararapat na ito ay magbitiw na sa puwesto.