Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 si Bulacan Fourth District Rep. Henry Villarica.

Sinabi ni House of Representatives Secretary General Atty. Jose Luis Montales na huling pumasok ang kongresista ay noong Marso 4.

Noong Marso 8 ay dumalo si Villarica sa isang kaganapan na pinangunahan ni Baliuag Mayor Ferdie Estrella na una ng napaulat na nagpositibo sa COVID-19.

Dagdag pa ni Montales na dinala sa pagamutan si Villarica noong Marso 8 dahil sa pneumonia at ito ay nasa mabuting kalagayan na.

Hindi namang nakitaan ng anumang sintomas ang staff ni Villarica.