Pinawi ngayon ng Department of Justice (DoJ) ang pangamba ng pamilya Laude na agad mapapalaya ang Amerikanong sundalong pumatay kay Jeffrey alyas Jennifer Laude na si Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Sinabi ni Department of Justice Usec. At Spokesman Markk Perete na hindi na muna itutuloy ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagproseso sa release order ni Pemberton.
“As a matter of procedure, the BuCor will not process Pemberton’s release pending resolution of the MR,” wika ni Perete.
Paliwanag ni Perete, hindi muna ipoproseso ng BuCor ang release papers ni Pemberton dahil mayroon pa namang nakabinbin na Motion for Reconsideration (MR) ang mga abogado ng pamilya ni Jenifer Laude sa korte.
Bahagi aiya ito ng proseo na hindi muna ituloy ang pagroseso sa paglaya ni Pemberton hanggang wala pang desisyon sa mosyon ng kampo ni Laude.
Una nang sinabi ni BuCor Director Gerald Bantag na itinigil muna ang pagproseso sa release order ni Pemberton dahil naka-apela pa ang kaso.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo Philippines sa legal counsel ni Laude, sinabi ni Atty. Virgie Suarez inaasahan nilang sa Lunes ay diringgin ng Korte ang kanilang mosyon na kumukwestyon sa kautusan ng Olongapo Regional Trial Court (RTC) na mapalaya na si Pemberto.
Kasabay nito, naglabas din ng hinaing ang abogado sa utos ng korte na palayain na ang sundalo.