-- Advertisements --
Bucor Nicanor faeldon
Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon

Pinagbibitiw na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Corrections (BuCor) director-general Nicanor Faeldon kasunod ng kontrobersyal at kwestiyonableng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law kung saan napalaya maging ang mga convicted sa heinous crimes.

Sa ipinatawag na press conference ngayong gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na sinuway ni Undersecretary Faeldon ang kanyang direktiba noong Agosto 20.

Ayon kay Pangulong Duterte, lahat din ng mga opisyal sa BuCor ay inaatasang mag-report sa kanya o kay Justice Sec. Menardo Guevarra habang iniimbestigahan at diretso na ang kaso sa Office of the Ombudsman.

Pero sa follow-up question, inihayag din ni Pangulong Duterte na kanyang sinisibak o tinatanggal na sa pwesto si Usec. Faeldon.

Duterte on Chinese drug lords
Click to Listen: Duterte sinibak na si BUCOR Chief Nicanor Faeldon

Kasabay nito, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang nasa 1,700 inmates na napalaya matapos makinabang sa GCTA na sumuko at magparehistro sa BuCor sa loob ng 15 araw.

Binalaan ni Pangulong Duterte ang mga nasabing nakalayang preso na kung mabigo silang lumutang sa loob ng 15 araw, ituturing na silang “fugitive of the law” o mga kriminal at maaari silang mapatay.

Nabanggit din ng pangulo na handa siyang magbigay ng P1 million pabuya sa bawat ulo o preso, “dead or alive” kung hindi sila susuko.

Kabilang umano sa mga pinasusuko ang tatlong napalayang convicted sa rape-slay case sa Chiong sisters.