DENVER NIKOLA JOKIC
Denver center Nikola Jokic

Pinahiya ng Denver Nuggets ang NBA top team na Milwaukee Bucks, 127-115.

Ang pagkatalo ng Bucks ay natikman nila sa kanilang teritoryo at tuloy natuldukan ang nine game winning streak nila.

Ito na ang ikatlo pa lamang na talo ng Bucks sa harap ng kanilang mga fans.

Kahit man kulang at pagod, nagawang bitbitin ni Will Barton ang Denver gamit ang 27 points at 8 assists.

Nasayang naman ang halos triple double performance ni NBA MVP Giannis Antetokounmpo na may 31 points, 10 rebounds at nine assets.

-- Advertisement --

Si Khris Middleton ay nagdagdag ng 24 points.

Kung tutuusin huling natalo sa home game ang Bucks ay noon pang Dec. 16, 2019 nang makaharap din nito ang Dallas team.

Samantala si Nikola Jokic ay nag-ambag ng 15 pooints, 10 rebounds at nine assists para sa 34-15 record ng Denver.

Sunod na next game ng Nuggets ay kontra sa Detroit sa Lunes.

Ang Bucks (41-7) naman ay host sa harapan nila ng Phoenix.