-- Advertisements --

Tinambakan ng husto ng Milwaukee Bucks ang Atlanta Hakws sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference finals, 125-91.

Mula sa simula ay hindi na pinaporma pa ng Bucks ang Hawks.

Nakahanap na rin ng lunas ang Milwaukee upang idiskarel ang matinding diskarte sa opensa ni Trae Young na nagkasya lamang sa 15 points at one assist.

Malayo ito sa kanilang panalo sa Game 1 na meron siyang 48 points at 11 assists.

Inalat pa si Young sa three point area na meron lamang isang nagawa mula sa walong pagtatangka.

Ang nine turnovers ni Young ay kanya tuloy worst sa career.

Nanguna naman sa Bucks si Giannis Antetokounmpo na umiskor ng 25 points habang si Jrue Holiday ay tumulong sa kanyang 22.

Sinasabihg umepekto ang ginawa ni Holiday na mala-linta na depensa kay Young.

Samantala ang Game 3 ay gagawin na sa Lunes sa teritoryo ng Hawks.