-- Advertisements --

Posibleng tapusin na ng defending champion na Milwaukee Bucks ang kanilang serye laban sa Boston Celtics sa darating na Sabado matapos na manalo kanina sa Game 5 sa iskor na 110-107.

Hawak na ngayon ng Bucks ang 3-2 lead sa Eastern Conference semifinals at maaring wakasan na nila ang best-of-seven series sa kanilang teritoryo sa Game 6.

Nagbuhos ang dating MVP na si Giannis Antetokounmpo ng 40 points at 11 rebounds, na sinuportahan naman ni Jrue Holiday ng 24 points upang makalusot sila sa huling 15 segundo.

Sa panig ng Boston nasayang ang diskarte ni Jayson Tatum na nagtala ng 34 points habang si Jaylen Brown ay nagpakawala naman ng 26 points.

Namemeligro ngayon ang Boston at kailangan nilang manalo sa next game upang itabla ang serye at ma-extend ang Game 7 doon sa kanilang balwarte sa darating na Lunes.