Nanguna ang Korean boy group na BTS sa may pinakamaraming nag-Tweet sa Pilipinas ngayong 2020.

Base sa inliabas na year-end recap ngayong taon ng Twitter, nangibabaw ang KPop Group na binubuo nina RM, Jin, Suga, J-hope, Jimin, V at JungKook.

Tila naulit ang nakaraang taon dahil sa noong 2019 ay hawak din nila ang nasabing unang puwesto ng Twitter.

Ngayon taon kasi ng ilabas ng grupo ang kanlang unang English song na “Dynamite” na siyang nanguna sa Billboard Hot 100 charts.

Pumangalawa sa listahan ng grupo ay ang Blackpink, Seventeen, EXO, Twice, TREASURE, TXT, GOT7, Enhypen at Stray Kids.