-- Advertisements --

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa fake jobs na iniaalok na may larawan ng kanilang deputy governor na si Chuchi Fonacier.

Sa isang statement, inihayag ng central bank na nakatanggap sila ng reports kaugnay sa Viber messages na gumagamit ng larawan ni Fonacier at naga-alok ng mga trabaho sa e-commerce company na nagbabayad ng nasa P500 hanggang P5,000 kada araw.

Hinimok naman ng central bank ang mga Pilipino na i-beripika muna ang authenticity ng anumang mensahing natatanggap na ginagamit ang BSP personnel at agad i-report ang anumang suspected fraud sa BSP.

Hinikayat din ng BSP ang publiko na iwasan ang pagbibigay ng personal na impormasyon sa mga hindi kilalang indibidwal.