curry
-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ni Golden State Warriors star Stephen Curry ang kaniyang custom-made na sapatos na nakalagay ang larawan ni Bruce Lee.

Sinabi nito na mapupunta ang nasabing kikitain sa auction sa mga pamilya ng biktima ng pamamaril sa Atlanta.

Ang nasabing sapatos ay isinuot ni Curry sa panalo nila laban sa Atlanta Hawks nitong Lunes.

Hindi naman nito maitago ang kaniyang pagkabahala at kalulngkutan sa nagaganap na dumaraming kaso ng Asian hate crimes sa Amerika.

Ikinatuwa naman ng anak ng martial arts star na si Shannon Lee ang ginawa nito ng NBA star.

-- Advertisement --