brownlee
Photo courtesy of PBA

Labis ang kasiyahan ni Justin Brownlee matapos makasama sa ensayo ng Gilas Pilipinas nitong Lunes.

Ayon kay Brownlee na handa itong tumulong para sa mapagtagumpayan ng koponan ang kampanya sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Ang nasabing paglahok niya sa ensayo ay pagpapakita aniya ng interes niyang mapabilang sa national team.

Umaasa rin ito na mapabilis ang kaniyang naturalization para sa tuloy-tuloy na ang paglalaro niya sa national team.

Magugunitang hiniram pansamantala ni Gilas coach Tim Cone si Brownlee sa ensayo bilang pamalit kina Jayson Castro, Matthew Wright at June Mar Fajardo nitong Lunes ng gabi.