Mistulang nagpahiwatig ang dating world champion na si Adrien Broner na tuluyan na nitong papasukin ang mundo ng pagra-rap.

Nito lamang nang mag-post sa social media si Broner kung saan makikita ang listahan ng mga awitin para sa ilalabas na album.

Ayon kay Broner, umaasa pa rin ito na makakakuha ng multi-million dollar offer mula kay Showtime Sports head Stephen Espinoza, na misitulang hindi interesadong mag-alok kay Broner.

Iginiit ni Broner, hangga’t walang nag-aalok sa kanya ng $10-million ay hindi siya babalik sa boxing ring, at sa halip ay magpopokus daw sa kanyang rapping career.

“I haven’t heard from Stephen Espinoza. Me and [my manager] Al [Haymon], we talk every day but ain’t nobody talking about that $10 million. So, I take that as I’m still retired. So what I’m going to do is just focus on my album, and I’m just a rapper. I’m a rapper now. Sh-t. Until they talk about my $10 million, I’m not going to be in the ring. So my album is dropping, and it is what it is,” wika ni Broner.

Si Broner ay hindi pa muli tumatapak sa boxing ring matapos magapi ni WBA welterweight champion Sen. Manny Pacquiao sa isang 12-round fight noong Enero 2019.