-- Advertisements --

Pinatawan ng provisional suspension si British sprinter Chijindu Ujah dahil sa doping violation.

Isinagawa ng Athletics Integrity Unit (AIU) ang anunsiyo matapos ang naging panalo ni Ulja ng silver medal sa 4×100 meter relay sa katatapos na Tokyo Olympics.

Dahil dito ay kasama rin na masususpendi ang miyembro ng relay team ng Great Britain at babawiin rin ang kanilang medalya.

Posibleng ibigay sa Canada ang silver medal habang sa China ang bronze medal.

Lumabas sa pagsusuri ng AIU na maryoong presensiya na pinagbabawal na substance na Ostarine at S-23 si Ulja ng isagawa ang testing noong laro.