-- Advertisements --
Tinanghal bilang pinakabatang nagkampeon sa men’s long jump world champion si Mattia Furlani ng Italy.
Nagkamit kasi ang 20-anyos na si Italian athlete ng gold medal sa 8.39 meters sa torneo na ginanap sa Tokyo, Japan.
Nahigitan nito ang record na hawak ni Carl Lewis na nagwagi ng world title sa edad na 22 noong 1983.
Ang Olympics bronze medalist at world indoor champion ay nakuha ang panalo sa ikalimang round ng torneo.