Kinumpirma mismo ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson na nagpositibo siya sa 2019 coronavirus infectious disease o COVID-19.

Sa isang video na pinost nito sa kaniyang social media account, sinabi ni Johnson na nakararamdam ito ng mild symptoms tulad ng lagnat at ubo.

Sa ngayon ay naka-isolate ito at isinasagawa pa rin ang kaniyang tungkulin bilang prime minister ng Britanya.

Aniya, sa kabila raw ng kaniyang nararamdaman ay patuloy niyang tutulunagn ang bansa na mag-isip ng mga paraan para labanan ang coronavirus.