-- Advertisements --

Magbibigay ang Britain ng tinatayang 27 milyon US dollars na tulong para maghatid ng tubig, sanitation at hygiene services sa Gaza, ayon kay Prime Minister Keir Starmer. 

Ayon sa Britain, ipapamahagi ang pondo sa pamamagitan ng UNICEF, World Food Programme, at Norwegian Refugee Council, at layunin nitong maabot ang mga taong nahaharap sa gutom, malnutrisyon, at sakit.

Dagdag pa ng Britain, magsasagawa rin ito ng tatlong araw na summit para sa rekonstruksyon ng Gaza na dadaluhan ng mga kinatawan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga kinatawan ng development finance, kabilang ang European Bank for Reconstruction and Development at World Bank.

Sa kasalukuyang taong pinansyal, iniulat ng Britain na nakapagbigay na ito ng 74 milyon pound na tulong pang-humanitarian sa Palestine, na opisyal nitong kinilala bilang isang estado noong nakaraang buwan.