TACLOBAN CITY – Arestado ang isang barangay tanod matapos na mahuli sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Doña Lucia, Mondragon, Northern Samar.

Ayon kay Rogelette Urgel, tagapagsalita ng PDEA Region 8, nakilala ang suspek na si Reynaldo Aquino, 29, residente ng Brgy UEP Zone 1, Catarman, Northern Samar.

Nabili at nakumpiska sa suspek ang ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165.

Pansamantala ring nakadetine sa Catarman MPS lock-up facility.

-- Advertisement --