Roxas City – Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkamatay ng Barangay Kagawad matapos binaril umano ang sariling ulo sa Barangay Lagdungan, Tapaz, Capiz.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni Police Lt. Col Joe Martin Fuentes, ang Medico Legal ng PNP Regional Crime Lab na hinihintay na lamang nila ang result ang paraffin test ng hindi na pinangalanang biktima.

Aniya dito malalaman kung mayroong foul play ang pagkamatay ng naturang opisyal.

Nabatid na natagpuan na lamang itong wala ng buhay sa loob ng kanyang bahay at may tama na sa ulo.

Narekober naman sa lugar ang calibre .45 na baril na sinasabing ginamit ng biktima upang patayin ang sarili.

Sa ngayon, hinihintay na lamang nila ang resulta ng paraffin test ng naturang opisyal.