LAOAG CITY – Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang barangay kagawad sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte dahil sa pagpapaputok ng baril noong bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay PLt. Col. Amador Quiocho, hepe ng PNP-Laoag, kasama sa mga isinampang kaso laban kay Macky Tamayo Martin ng Barangay 2, Laoag City ay ang damage to property, alarm and scandal at illegal posession of firearms dahil walang lisensya ang isinukong baril.

Una nang sumailalim ng paraffin at ballistic examination ang suspek pero hinihintay pa ang resulta nito.

Inamin na rin mismo ni Martin na nagawa lamang niyang nagpaputok ng baril dahil masama pa rin ang loob nito sa pagkamatay ng ama niya na si dating Sangguniang Panlungsod member Roly Martin noong buwan ng Disyembre.