ILOILO CITY – Agaw-buhay ngayon sa ospital ang punong barangay na supporter ng isang pulitiko matapos na walang habas itong pinagbabaril sa Brgy. Preciosa, bayan ng Sara, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Punong Barangay Ronnie Dorde.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Barangay Secretary Jenylyn Cabaluna, sinabi nito na nasa labas ng bahay ang biktima nang pinagbabaril ng riding in tandem suspects.

Ayon kay Cabaluna, namataan nila ang riding in tandem na kasama ang barangay leader ng tumatakbong alkalde sa nasabing bayan na si retired Army MGen. Jon Aying.

Napag-alamang ninais pa sana ng barangay leader ni Aying na si Edgardo Somera na makipag-ayos kay Dorde ngunit hindi na ito natuloy matapos binaril.

Si Dorde ay una nang nakapanayam ng Bombo Radyo Iloilo bago ito pumanaw kung saan inireklamo nito ang ginawang harasmment ni Aying kung saan pinipilit umano itong sumuporta sa kanya sa mayoralty elections.

Sa ngayon sinisikap pa ng Bombo Radyo na kunan ng pahayag si Aying.