Wala pang nakitang magandang solusyon ang European Commission matapos isagawa ang Brexit negotiations.

Kasunod ito ng naganap na pag-uusap sa pagitan ng UK ministers at EU Brexit negotiator Michel Barnier na ginanap na Brussels.

Sinabi ni Commission spokesman Margaritis Schinas, na nagkaroon ng “constructive atmosphere” sa usapin pero walang naging anumang magandang resulta.

Patuloy kasi na isinusulong ng UK na magkaroon ng legally-binding changes sa EU deal.