Pumalo na nang 10,004 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon Department of Health (DOH).
Batay sa inilabas na case bulletin ng ahensya, may 320 na bagong nag-positibo mula sa sakit.
Ang 179 o 56-percent sa kanila ay mula National Capital Region, 98 o 32-percent ang galing sa Central Visayas, habang 43 o 13-percent ang naitala sa iba’t-ibang rehiyon.
May 21 namang nai-report na bagong namatay na nagpaakyat pa sa 658 total deaths.
Sa kabila nito, 98 ang naiulat na bagong gumaling sa COVID-19, kaya ang total recoveries ay nasa 1,506.
Nitong araw nang sabihin ni Health Sec. Francisco Duque III na ilang eksperto na ang nagpatotoo sa pag-flat ng curve o pagbagal ng COVID-19 infection sa bansa.
“The new cases are just hovering around 200 per day, and for the death rate bumababa din yan. Now we’re looking at mga 10 (reported deaths per day), it used to be 20, but I think now 10 to 20, so maliit na lang.”