-- Advertisements --

Nagbitiw na sa pwesto bilang kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA) si Sec. Ernesto Pernia.

Sa isang statement, sinabi ni Pernia na bukod sa personal na rason, ay naging dahilan din ng kanyang resignation ang pagkakaiba nila ng kanyang mga kapwa gabinete sa paniniwala tungkol sa development.

“After reflection during Holy Week, and consultations with my family and close colleagues, I have decided to resign from my post as Secretary of Socioeconomic Planning.”

“This is due partly to personal reasons and partly to differences in development philosophy with a few of my fellow Cabinet members.”

Nagpasalamat ang opisyal kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkaka-appoint sa kanya bilang Socioeconomic Planning secretary. Itinuturing daw niyang karangalan ang paglilingkod sa publiko sa loob ng nakalipas na apat na taon.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Pernia sa buong NEDA dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya nang isulong ng tanggapan ang Philippines Development Plan 2017-2022, na bahagi ng sa long-term vision ng gobyerno na Ambisyon Natin 2040.

Tumanaw din ng utang na loob ang opisyal dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya para suriin ang flagship infrastructure projects ng administrasyon hanggang sa naging implementasyon ng mga ito.

Tiwala raw si Pernia na sa kanyang pag-alis sa NEDA ay nakapag-ambag siya ng makabuluhang pagbabago na makakatulong sa pagbangon ng bansa lalo na sa panahon ng matinding pagsubok.

“I leave NEDA knowing that we have initiated and implemented meaningful changes that will help the country overcome these challenging times and on to a higher growth trajectory.”

Sa ngayon kinumprima ni Presidential Spokesperson Harry Roque na natanggap na ng palasyo ang resignation letter ni Pernia.

Itinalaga bilang Acting secretary ng NEDA si Finance Usec. Karl Chua.

“The President has accepted the resignation of socioeconomic planning secretary Ernesto Pernia, which was tendered based on personal reasons. Finance Undersecretary Karl Chua has been appointed in acting capacity,” ani Roque.