Nagbukas na ng spill gate ang Magat Dam dahil sa pagtaas ng tubig nito, dulot ng malawakang pag-ulan sa watershed area.
Batay sa report na inilabas Hydrology Division ng state weather bureau, kasalukuyan itong nagpapakawala ng mahigit 460 cubic meters per second ng tubig.
Mas mataas ang naturang volume kumpara sa mahigit 386 cms na pinapakawalan nito sa inisyal na pagpapakawala ng tubig.
Sa kasalukuyan, umaabot sa halos 189 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam.
Ito ay halos isa’t kalahating metro lamang bago tuluyang maabot ang normal high water level na 190 meters.
Muli ring nakapagrehistro ng pagtaas sa antas ng tubig sa iba pang malalaking dam sa bansa tulad ng Ambuklao Dam, Pantabangan Dam, at Caliraya Dam.
Gayunpaman, tanging ang Magat Dam ang nagbukas ng gate.