-- Advertisements --
Nais ni US President Donald Trump na patawan ng parusang kamatayan ang sinumang masangkot sa patayan sa Washington DC.
Sa ginawa nitong pulong sa mga miyembro ng gabinete niya na maaring “preventive” measures lamang nasabing plano.
Magugunitang nagpakalat si Trump ng mga National Guard sa Washington DC dahil sa pagdami ng mga krimen na nagaganap.
Subalit kinontra ito ni Washington Mayor Muriel Bowser ang pahayag ni Trump at sinabing bumaba ang krimen mula pa noong 2023.