-- Advertisements --

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Capital Region (NCR) at dalawang iba pang lugar sa modified enhanced community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Bukod sa Metro Manila, isinailalim na rin sa modified ECQ simula Mayo 16 ang Laguna at Cebu City.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nananatiling “high-risk” ang naturang mga lugar.

Samantala, dahil ikunukonsidera na bilang “moderate risk” isasailalim sa general community quarantine (GCQ) simula Mayo 15 ang mga sumusunod:

a. Region II
b. Region III
c. Region IV-A maliban na lamang sa Laguna
d. CAR
e. Region VII maliban na lamang sa Cebu
f. Region IX
g. Region XI
h. Region XIII (CARAGA)

Ang mga rehiyon namang itinuturing bilang low-risk ay hindi na isasailalim sa community quarantine ay ang mga sumusunod:

a. Region I
b. Region IV-B
c. Region V
d. Region VI
e Region VIII
f. Region X
g. Region XII
h. BARMM

Ginawa ni Pangulong Duterte ang naturang desisyon kasunod ng kanyang pagpupulong kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Nauna nang pinalawig ni Pangulong Duterte ang ECQ ng hanggang sa Mayo 15 para sa Metro Manila, Central Luzon (bukod sa Aurora), CALABARZON, Pangasinan, Benguet, Albay, Bacolod City, Iloilo province, Iloilo City, Cebu City, Cebu province, Zamboanga City at Davao City.

Ang nalalabing lugar sa bansa ay isinailalim naman sa general community quarantine.