-- Advertisements --

Tumuntong na sa 30,052 ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa case bulletin ng ahensya, 653 ang naitalang mga bagong kaso ng sakit. Binubuo ito ng 415 na “fresh cases” at 238 “late cases.”

Mula sa fresh cases, 219 ang naitala sa Metro Manila, 89 sa Region 7 at 107 ang galing sa iba’t-ibang rehiyon.

Sa mga late cases naman, 177 ang naitala sa Central Visayas. 32 ang sa National Capital Region at 29 sa ibang rehiyon.

Ang total naman ng mga gumaling ay nasa 7,893 dahil sa 243 na bagong recoveries.

Samantalang 19 ang bagong naitalang namatay, na nagpaakyat sa death toll ng 1,169.

Ayon sa DOH, 15 o 79% ng new reported deaths ang namatay sa pagitan ng mga petsang June 3 hanggang 16.

Mayroon namang isang tinanggal sa total ng confirmed case count dahil sa pagiging duplicate.

Abiso ng Health department, maaaring magbago pa ang mga numero sa total cases dahil sa patuloy na paglilinis ng ahensya sa mga backlog at validation.