Inanunsiyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magsisilbing “deterrent” ang pinakamabilis na supersonic cruise missile sa ano mang banta sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ito ang sinabi ni Lorenzana sa ceremonial signing ng kontrata sa Brahmos Aerospace para sa Shore-based Anti-Ship Missile System acquisition project ng Philippine Navy.
Nagkakahalaga ang kontrata ng P18.9 billion na nilagdaan ni Lorenzana at ng Director General ng Brahmos Aerospace Mr. Atul Dinkar Rane sa Department of National Defense kahapon.
Kung maalala, si Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran, ang kumatawan sa pamahalaan ng India sa seremonya.
Sa ilalim ng proyekto na sinimulan noong 2017, tatlong missile batteries ang bibilhin ng Pilipinas.
Ayon kay Lorenzana, ang pag-equip sa Philippine Navy ng modernong kagamitan ay mahalaga para sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa at pagtataguyod ng pambansang interes.