john havlicek iso dribbles
John Havlicek/ Photo courtesy of NBA

Sumakabilang buhay na ngayong araw (Manila time) ang isa sa itinuturing na pinakamagagaling na players sa kasaysayan ng Boston Celtics na si John Havlicek sa edad na 79-anyos.

Ang nasabing balita ay kinumpirma ng team sa pamamagitan ng isang pahayag.

“His defining traits as a player were his relentless hustle and wholehearted commitment to team over self,” saad ng koponan. “He was extraordinarily thoughtful and generous, both on a personal level and for those in need, as illustrated by his commitment to raising money for The Genesis Foundation for Children for over three decades through his fishing tournament. John was kind and considerate, humble and gracious. He was a champion in every sense, and as we join his family, friends, and fans in mourning his loss, we are thankful for all the joy and inspiration he brought to us.”

Iginugol ni Havlicek ang lahat ng kanyang 16 na season sa NBA sa Celtics kung saan nagwagi ito ng walong championships.

Nagtala rin ito ng career average na 20.8 points, 6.3 rebounds at 4.8 assists.

-- Advertisement --

Bukod dito, siya ay naging 13-time All-Star; 11-time All-NBA performer; at eight-time All-Defensive Team honoree.