DAGUPAN CITY – Big winner ang Bonuan Boquig National High School (BBNHS) na hinirang ng global education organization na T4 Education bilang Top Prize Winner in the T4 World’s Best School for Environmental Action.
Ang programang “Ilog ko, Aroen ko” Adopt a River Project ang naging entry ng BBNHS sa kompetisyon.
Mula sa 1,000 entries sa buong mundo, nakatunggali ng BBNHS sa top spot ang International School of Zug & Luzern sa Switzerland at ang Green School of Bali sa Indonesia.
Naganap ang announcement ceremonies ng World’s Best School Prizes nitong Miyerkules na sinaksihan live sa Peoples Astrodome.
Dumalo sa nasabing ceremonies sina Mayor Belen Fernandez, Vice Mayor BK Kua and Sangguniang Panlungsod members, pamunuan ng DepEd Region 1 sa pangunguna ni Regional Director Tolentino Aquino, DepEd Dagupan sa pangunguna ni SDS Aguedo Fernandez, BBNHS School Officials sa pangunguna ni Principal III Renato Santillan at mga mag-aaral, Bonuan Gueset Barangay Council sa pamumuno ni Kapitan Joseph Maramba at inabangan din online ng mga Dagupeños worldwide.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Fernandez ang kanyang ang pagsaludo sa BBNHS at sa lahat ng mga bumubuo ng “Ilog ko, Aroen ko” Project.
Umaasa siyang magiging isang inspirasyon sa lahat ang nasabing kompetisyong para sa mga environmentalist at magbigay ng inspirasyon din sa iba pang paaralan, organisasyon at institusyon sa lungsod upang maisakatuparan ang kanilang mga hakbangin sa pangangalaga para sa kapaligiran
Pinasalamatan din niya ang T4 Education para sa kanilang pamamaraan na parangalan ang iba’t ibang anyo ng tagumpay ng mga paaralan.