Muling itinanghal bilang “Most Reliable AM Radio Station” ang Bombo Radyo Philippines sa katatapos lamang na Platinum Stallion Media Awards for 2020 ng Trinity University of Asia.

Ito na ang ikalawang beses na nakamit ng Bombo Radyo ang naturang parangal.

Ang pagkilalang ito ay ibinibigay sa mga grupo at indibidwal sa larangan ng media para sa kanilang kontribusyon sa bayan sa pamamagitan ng mga balita at programa.

Tanging Bombo Radyo lamang ang National Radio Network na nakakuha ng isa sa pinakamataas na pagkilala.

Muli mga ka-bombo at ka-star nation, lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng Bombo Radyo Philippines sa patuloy ninyong pagtangkilik sa aming mga programa, lalong lalo na sa Bombo Network News.

Sa aming viewers, listeners, readers alay po namin sa inyo ang panibago na namang pagkilalang ito.

Makakaasa po kayo na patuloy kaming maghahatid ng serbisyo para sa publiko.